Tadtad ng saksak sa katawan ang 75-anyos na lolang si Victoria Saavedra nang matagpuan sa isang kubo makaraang pagkamalang aswang ng mga ‘di kila­lang suspek na umano’y mga residente sa Brgy. Bagumbayan, Magpet, North Cotabato kamakalawa.
Rhoderick Beñez
75-anyos lola napagkamalang aswang, kinatay
Rhoderick Beñez (Philstar.com) - November 19, 2019 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 75-anyos na lola ng hindi pa kilalang mga suspek matapos na mapagkamalan umanong aswang sa Sitio Natutungan, Brgy. Bagumbayan, Magpet, dito sa lalawigan nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ni Magpet Police chief Captain Rolando Dillera Jr. ang biktima na si Victoria Saavedra, isang biyuda at residente ng Brgy. Santo Niño, Arakan, North Cotabato.

Ayon sa ulat, iniwan lamang ng kanyang anak na si Angeles Terania ang inang si Saavedra, nitong Linggo ng hapon sa nasabing lugar ngunit nang kanyang balikan pasado alas-10:00 ng gabi ay naliligo na sa sariling dugo at wala nang buhay.

Sa inisyal na imbes­tigasyon, nagtamo ng 16 na saksak sa iba’t ibang bahagi ng kata­wan ang matanda na karamihan ay sa kaliwang dibdib at balikat.

Lumalabas na kaya pinaslang ang nasabing matanda ay dahil pinagdududahan siyang aswang ng ilang mga residente sa nabanggit na lugar.

Sinabi ni Terania sa pulisya na may sakit umano sa pag-iisip ang kanyang ina, bagay rin na posibleng naging dahilan ng mga residente na pagdudahan ang matanda.

May mga “persons of interest” na ang pu­lis­ya na posibleng sangkot sa karumal-dumal na krimen.

Hindi naman makapaniwala ang anak ng biktima na isang pastora sa sinapit ng ina. 

KRIMEN LOLA PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with