^

Probinsiya

Anak ni ex-boxer Navarrete itinumba!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang anak ni dating boxing world champion Rolando Navarrete Sr. na isinasangkot sa umano’y pagtutulak ng ilegal na droga makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa lungsod ng General Santos noong Lunes ng gabi.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Rolando Velarde Navarrete Jr. alyas “Tuko”, 24-anyos, isang obrero.

Sa ulat ng Gene­ral Santos City Police, dakong alas-7:35 ng gabi nang mangyari ang pamamaril sa biktima sa Carcon Village, Brgy. Lagao ng lungsod na ito.

Ayon sa imbestigasyon, habang nag­lalakad ang biktima patungo sana sa kalapit na tindahan sa nasabing lugar nang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang dalawang armadong salarin na lulan ng motorsiklo.

Sa pahayag ng mga testigo, sunud-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa lugar at nang kanilang tingnan ay tumambad ang duguang biktima na nagawa pang maisugod sa pagamutan pero nabigo nang maisalba ang buhay nito.

Ang insidente ay nakunan ng CCTV habang narekober ng mga pulis sa crime scene ang basyo mula sa .45 kalibre na baril na posib­leng ginamit sa pamamaslang. 

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang ulat na sangkot sa pagtutulak ng droga ang biktima na hinihinalang siyang motibo sa krimen. Rhoderick Beñez

 

vuukle comment

NAVARRETE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with