Rider salpok sa trak, tepok

Halos mabasag ang ulo at magkalasug-lasog ang katawan ng biktimang ito na si Carlito Balingasa Garcia matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa kasalubong na trak sa Maharlika National Highway sa Brgy. Malabog sa bayan ng Daraga, Albay kaha­pon ng umaga.
Kuha ni Jorge Hallere

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Basag ang ulo at nagkalasug-lasog ang katawan ng isang rider matapos bumangga ang kanyang minamanehong motorsiklo sa kasalubong na truck sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Brgy. Malabog sa bayan ng Daraga, Albay kahapon ng umaga.

Dead-on-the-spot ang biktima na kinilalang si Carlito Balingasa Garcia, residente ng Sampaguita, Corner Orchid, Legazpi City.

Sumuko naman sa rumespondeng mga pulis ang driver ng truck na si Mark Dulba.

Sa ulat, dakong alas-10:45 ng umaga, mabilis na binabaybay ng motorsiklo (4133-EA) ng biktima ang kahabaan ng highway nang subukang mag-overtake sa sinusundang sasakyan.

Pero hindi napansin ng biktima ang kasalubong na truck na walang plate number na sinubukang umiwas pero huli na kaya malakas silang nagsalpukan sa gitna ng kalsada.

Sa lakas ng banggaan, patay agad ang biktima ha­bang nagkasira-sira ang motorsiklo at harapang ba-hagi ng truck.

Show comments