Bebot hinalay bago kinatay
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - August 23, 2019 - 12:00am

Inatado ng 35 saksak

MANILA, Philippines – Tatlumpu’t limang saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tumapos sa buhay ng isang babaeng factory worker na pinaniniwalaang hinalay muna bago pinatay ng ‘di pa natutukoy na mga salarin na nanloob sa tahanan nito kamakalawa sa Brgy. Calapandayan, Subic, sa lalawigan ng Zambales.

Ang biktima ay kinilalang si Carmela Catindig alyas “Melay”, 30-anyos.

Sa report na nakarating kay Maj. Gilbert Diaz, hepe ng Subic Police Station, walang saplot at naliligo sa sari-ling dugo matapos magtamo ng 34 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at isa sa pisngi ang biktima nang matagpuan ng kapitbahay dakong alas-6:00 ng umaga.

Pagnanakaw ang pangunahing motibo sa krimen ang sinisilip ng mga otoridad dahil sa nangyaring pag-halughog sa bahay ni Catindig na napag-alamang tinangay ang mahigit P30,000 nitong cash, cellphone at iba pang mamahaling personal na bagay.

Nabatid din ng mga imbestigador na nagawang makapasok ng mga salarin sa bahay sa pamamagitan ng pagsira sa lock ng main door.

Patuloy ang pagsisiyasat ng otoridad sa kaso upang matukoy ang mga suspek sa brutal na krimen.

 

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with