Trader todas, 4 pulis sugatan sa ratrat ng NPA
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - August 23, 2019 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Bulagta ang isang negos-yante matapos pagbabarilin sa harap ng kanyang bahay habang apat na rumespondeng pulis ang sugatan matapos ambusin ng mga rebelde sa kahabaan ng provincial road Brgy. Alegria sa bayan ng Pio V. Corpuz, kamakalawa ng umaga.

Dead-on-the-spot ang biktimang kinilalang si Wilfredo Botero Noda, 55, at residente ng nasabing bara­ngay.

Sugatan naman ang mga pulis na kinilalang sina Staff Sgt. Jovane Masilao, Staff Sgt. Joemar Jacobe, Patrolman Dexter Navarro at Patrol­man James Rick Manongsong, pawang kasapi ng Pio V.    Corpuz Police Station.

Sa ulat, dakong alas-7:30 ng umaga habang nakatayo si Noda sa harap ng kanyang bahay nang dumating ang ilang armadong mga kala-lakihan at sa hindi malamang dahilan ay pinagbabaril sa iba’t bang bahagi ng katawan na agarang namatay.

Agad namang rumes­ponde ang mga pulis pero habang patungo sa lugar nang pamamaril ay biglang sumabog ang isang itinanim na bomba o landmine malapit sa sinasakyang patrol car na sinundan ng magkakasunod na putok mula sa mga naka-abang na mga rebelde.

Kahit sugatan ang mga pulis ay agad silang naki-pagpalitan ng putok hanggang umatras ang mga rebelde.

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with