Dalagita tigok sa washing machine

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Patay ang isang 17-anyos na babaeng estudyante matapos makuryente habang naglalaba gamit ang washing machine sa kanilang bahay sa Brgy. 8 San Rufino, San Nicolas, Ilocos Norte noong Lunes.

Sa report ng pulisya, aksidenteng nahawakan ng biktimang si Jessica Mamuad ang siwang sa pagkakasaksak sa electrical extension socket ng washing machine na basa pa ang kamay nito kaya siya nangisay dakong alas-11:00 ng umaga.

Isinugod ng mga kaanak ang dalagita sa pribadong ospital kung saan siya namatay habang ginagamot.

Show comments