Ang nakabu­lagtang ‘tulak’ ng droga na si Jose­lito Gonzales matapos umanong manlaban sa mga awtori­dad sa buy-bust operation sa San Jose?City, Nueva Ecija noong Martes.
(Photo: San Jose City Police
Drug suspect dedo sa drug ops
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - June 27, 2019 - 12:00am

LUCENA City, Philippines  —  Isang drug personality ang napaslang makaraang makipagbarilan diumano sa mga operatiba ng Lucena Police Drug Enforcement Unit habang isinasagawa ang anti-drug operation sa Purok Tulungan, Brgy. Ibabang Iyam, kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Lt. Col. Reydante Ariza, chief of police dito ang napaslang na si Roberto Gulifardo, 56, may asawa at kabilang sa Brgy. Drug Watchlist.

Alas-8:30 ng umaga nang kumasa umano ang suspek sa mga pulis nang mabilhan umano ng isang plastic sachet ng shabu.

Nang aarestuhin ay itinulak ng suspek ang poseur buyer na pulis saka pumasok sa kanyang bahay at kumuha ng kalibre 38 revolver at nagpaputok. Gayunman, napuruhan ang suspek nang gantihan ng mga operatiba.

ILLEGAL DRUGS LUCENA POLICE DRUG ENFORCEMENT UNIT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with