^

Probinsiya

Jailguard inatado sa lamay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  —  Hindi na uma­bot nang buhay ang isang jailguard matapos pagta­tagain ng kanyang nakaalitan habang nakikipag­lamay sa Lascano Fune­ral Homes sa Brgy. Sta. Cruz, Bato, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.

Agad nasawi dahil sa malalalim na sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Jail Officer Randy Ramos, residente ng nasabing barangay habang tinutugis ang suspek na si Roberto Regazpi, residente ng Brgy. Buluang.

Sa ulat, dakong alas-9:20 ng gabi habang nag-iinuman ang biktima at suspek sa lamay ng kanilang kakilala nang magkaroon ng mainitang pagtatalo at away. Tinangka pang awatin ng mga naglalamay at kainuman ang dalawa, pero biglang bumunot ng itak ang suspek at pinagtataga ang biktima na duguang humandusay. Agad tumakas ang suspek patungo sa ’di malamang direksyon. Sinubukan pang isu­god sa Medical Mission Group Hospital sa bayan ng Nabua ang biktima pero idineklarang patay. Nakuha ng mga rumes­pondeng pulis ang itak na ginamit sa pananaga.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with