^

Probinsiya

3 ‘holdaper’ todas sa encounter

Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon

PAMPANGA, Philippines — Habang ginugunita ang Semana Santa, napatay ang tatlong hinihinalang notoryus na miyembro ng “Maglente Crime Group” na responsable sa serye ng holdapan at nakawan matapos manlaban sa pulisya sa Texas Street Villasol Subdivision Brgy. Anu­nas, Angeles City, Sabado ng madaling araw.

Sa ulat sa tanggapan ni Police Major Rolando Doroja, Station 4 Police commander,  isa sa tatlong napaslang ang kinilala ng pulisya na si Jerry Maglente, 26, Top 2 Most Wanted, at residente ng Sitio Ipil, Brgy. Pulong Maragul, Angeles City,

Sa ulat, dakong alas-3:00 ng madaling araw matapos makatanggap ng tawag ang pulisya na mayroong apat na kalalakihan na kahina-hinala ang kilos sakay ng dalawang motorsiklo at umaaligid sa nasabing lugar, kaya’t agad nagsagawa ng pagpapatrolya ang mga otoridad. Nakita nila ang nasabing grupo at nang sitahin ay agad na bumunot ng kanilang mga baril at pinutukan ang mga pulis hanggang sa mag­kabarilan at bumulagta ang mga suspek.

Nasamsam sa mga napaslang ang Isang cal.9mm pistol, dalawang cal. 38 baril, dalawang Mio motorcycle, isang flat screen monitor na gamit sa computer, 11 sachet ng hinihinalang shabu at 2 sachet ng marijuana.

 

vuukle comment

ENCOUNTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with