^

Probinsiya

Judge nilooban, P3-M alahas nilimas

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Judge nilooban, P3-M alahas nilimas
Sa report kay Supt. George Cablarda, hepe ng Tugue­garao City Police, iniwan ni Judge Jezerene Aquino, 61, ang kanyang bahay sa Brgy. Leonardo patungo sa kanyang trabaho dakong alas-7:30 ng umaga. Nang umuwi ng alas-4:50 ng hapon, nadatnan nitong sira na ang likurang pintuan ng kanyang bahay.
File Photo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Mahigit P3 mil­yong pisong halaga ng mga gintong alahas ang nalimas ng mga kawatan sa loob ng bahay ng isang presiding judge sa Regional Trial Court ng lungsod na ito noong Lunes.

Sa report kay Supt. George Cablarda, hepe ng Tugue­garao City Police, iniwan ni Judge Jezerene Aquino, 61, ang kanyang bahay sa Brgy. Leonardo patungo sa kanyang trabaho dakong alas-7:30 ng umaga. Nang umuwi ng alas-4:50 ng hapon, nadatnan nitong sira na ang likurang pintuan ng kanyang bahay. 

Nanlumo ang huwes nang madiskubreng nilimas ng kawatan ang mga mamahalin nitong alahas na pinamana pa ng kanyang mga ninuno at ang iba’y bunga ng ilang dekada niyang pagsisikap na pinakatago-tago niya sa cabinet ng kanyang silid.

Ayon sa report, isang pinagkakatiwalaang kasambahay ng biktma ang hinihinalang suspek sa krimen matapos na mawala na parang bula kasunod ng krimen.

vuukle comment

JEZERENE AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with