3 bata nalunod sa fishpond
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlong bata ang nasawi makaraang aksidenteng malunod sa isang fishpond sa Sitio Iran, Brgy. Macabling, Sta Rosa City, Laguna nitong Martes ng hapon.

Kinilala ni Laguna Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Eleazar Matta  ang mga biktima na sina Stephanie Cardena, 11-anyos; Cathy Macabuyoc, 10, at Alyza Urisantos, 11; pawang mga residente ng nasabing lugar na pawang dead-on-arrival sa Sta. Rosa Community Hospital.

Ayon sa imbestigasyon, dakong alas-3 ng hapon nang magkatuwaan ang mga bata na maligo sa fishpond sa isang bakanteng lote na pag-aari ng pamilya Tan.

Ayon sa mga magulang ng mga bata, inakala nilang naglalaro lamang ang kanilang mga anak at hindi nila sukat akalain na sila ay napahamak na.

Ang bangkay ng mga paslit ay nadiskub­re ilang oras naman matapos na lumutang sa fishpond.

Pinaniniwalaang isa sa mga bata ang unang nalunod na tinangkang sagipin ng dalawang bata pero kapwa nila­mon ng tubig.

CRIME DROWNED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with