Kinilala ni PSupt. Emery Abating ng Malolos police ang mga nasawing suspek na sina Gary Israel Dela Cruz, 26, ng Brgy. Panasahaan at kasabwat umano nitong si Gwynette Kylee Hong, ng Brgy. Atlag; pawang sa bayang ito. Nasakote naman ang 9 na iba pa na nagmula sa mga bayan ng Obando, Bulakan, Pulilan, Balagtas at San Jose Del Monte City.
Resort ni-raid: 2 todas, 9 huli
Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2019 - 12:00am

BULACAN, Philippines — Isang lalaki at isang babae na uma­no’y mga tulak ng droga ang nasawi sa buy-bust operation ng pulisya sa loob ng isang kilalalang resort hotel sa Malolos City habang 9 pa na sinasangkot sa pagbebenta ng shabu ang nadakip sa iba’t ibang bayan dito, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni PSupt. Emery Abating ng Malolos police ang mga nasawing suspek na sina Gary Israel Dela Cruz, 26, ng Brgy. Panasahaan at kasabwat umano nitong si Gwynette Kylee Hong, ng Brgy. Atlag; pawang sa bayang ito. Nasakote naman ang 9 na iba pa na nagmula sa mga bayan ng Obando, Bulakan, Pulilan, Balagtas at San Jose Del Monte City.

Sa ulat, dakong alas- 8:30 ng gabi nang ilatag ang buy-bust laban kina dela Cruz at Hong matapos na gawin umano nilang drug den ang isang kuwarto ng Club Royale Resort sa Brgy. Mabolo. Habang ginaganap ang transaksyon, nakahalata umano ang dalawa sanhi upang bunutin ng lalaki ang kanyang armas at pinaputukan ang mga pulis na gumanti ng putok. Nang makita naman ng babae na duguan ang kasama, dito na rin umano binunot ang kanyang armas subalit maging siya ay bumulagta sa lugar.

Narekober sa nasawing mga suspek ang isang .38 revolber ang isa pang .22 revolber, mga basyo ng bala, 9 na pakete ng shabu, ilang piraso ng pinatuyong marijuana, mga drug paraphernalia at P1,000 marked money. Nasamsam naman sa 9 pang suspek ang limang piraso na pinatuyong marijuana, mga drug paraphernalia at marked money. (Joy Cantos)

RESORT HOTEL RAIDED
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with