Kasalukuyan pang inaalam ang pagkakaki­lanlan ng napaslang dahil sa kawalan nito ng identification card. Siya ay nagtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan habang nakatakas ang kasamahan na nagsilbing drayber ng kanilang motorsiklo.
Tandem tumakas sa checkpoint: 1 patay
Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) - January 12, 2019 - 12:00am

BULACAN  , Philippines  —  Nasawi ang isa sa riding-in-tan­dem matapos nila umanong takasan ang police checkpoint sa isang estratihiyang lugar sa Brgy. Camachile, ba­yan ng Doña Remedios Trinidad ng lalawigan, Biyernes ng madaling araw.

Kasalukuyan pang inaalam ang pagkakaki­lanlan ng napaslang dahil sa kawalan nito ng identification card. Siya ay nagtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan habang nakatakas ang kasamahan na nagsilbing drayber ng kanilang motorsiklo.

Sa ulat, dakong alas-2:30 ng madaling araw habang nagsasagawa ng checkpoint ang pulisya sa isang lugar sa Sitio Maaway, Brgy.Camachile nang ilang sandali ay dumating ang isang dilaw na Yamaha MIO motorcycle na walang plaka habang walang suot na helmet ang dalawang sakay nito. Dito, sumenyas ang mga pulis sa dalawang suspek na tumigil sa checkpoint para sa kaukulang beripikasyon pero sa halip umanong sumunod ay bigla silang humarurot ng takbo na nagbunsod ng habulan. Nang abutan ng mga operatiba, pinilit nilang pinahihinto ang mga suspek pero bumunot umano ang backrider ng armas at pinaputukan ang mga pulis sanhi ng shootout. 

ACCIDENT CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with