Nakilala ang dalawa sa tatlong napaslang na sina Roger Angelo Polonan alyas Ogie at George Avellanosa, kapwa nasa hustong gulang at nasa drug watchlist ng pulisya sa naturang bayan. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa pang napatay habang ang apat na naaresto ay kinabibilangan ng tatlong lalaki at isang babae na nasa loob ng bahay ni alyas Ogie at nagsasagawa ng shabu session.
File Photo
3 tumba, 4 huli sa drug bust
Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) - January 6, 2019 - 12:00am

BULACAN , Philippines — Tatlong umano’y tulak ng shabu ang patay habang apat na iba pa ang naaresto matapos maaktuhang nagpa-pot session sa isinagawang drug bust operation sa hangganang bahagi ng Brgy. Sto. Cristo sa San Jose Del Monte City, Sabado ng madaling araw.

Nakilala ang dalawa sa tatlong napaslang na sina Roger Angelo Polonan alyas Ogie at George Avellanosa, kapwa nasa hustong gulang at nasa drug watchlist ng pulisya sa naturang bayan. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa pang napatay habang ang apat na naaresto ay kinabibilangan ng tatlong lalaki at isang babae na nasa loob ng bahay ni alyas Ogie at nagsasagawa ng shabu session.

Sa ulat ni P/Supt. Orlando Castil Jr, ng San Jose Del Monte Police, isang tawag sa telepono ang nag-ulat hinggil sa talamak na pagbebenta ng suspek na si Ogie sa kanilang lugar kasunod nito ang paggamit ng bahay ng suspek na drug den. Dakong ala-1:40 ng madaling araw isinagawa ang buy-bust ngunit habang nagaganap ang transaksyon ay nakahalata si alyas Ogie saka binaril ang mga pulis ngunit sumablay ito na nagresulta ng barilan at pagkamatay ng dalawa.

Nagtangka namang tumakas ang isa pa pero hinabol ng mga operatiba. Sa halip na sumuko, pinaputukan umano ng suspek ang mga pulis sanhi ng shootout at ikinabulagta ng una sa may gilid ng isang ba­ngin. Narekober sa lugar ang tatlong .38 revolver, mga basyo ng bala, ilang gramo ng shabu, mga drug paraphernalia at isang motorsiklo na ginamit sa pagtakas ng isa sa mga suspek.

DRUG BUY-BUST-OPERATION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with