Ayon kay Provincial Director P/Sr. Supt. Chito Bersaluna, nagbunga ang matinding pagmamanman ng pulisya mula sa iba’t ibang himpilan sa Malolos City, Meycauyan City, San Rafael, Calumpit, Angat, Bulakan, San Miguel, Hagonoy, Marilao at Paombong na nagresulta sa pagkakaaresto ng 17 katao at nakasamsam din ng 38 sachet ng shabu, dalawang sachet ng marijuana, sari-saring drug paraphernalia at marked money na ginamit sa operasyon.
17 drug suspect, 10 wanted timbog
Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) - January 5, 2019 - 12:00am

BULACAN, Philippines — Nalambat ng mga awtoridad ang 17 katao na sangkot sa illegal na droga at 10 pang pinaghahanap ng batas dahil sa nakabim­bing mga kasong kriminal sa iba’t ibang lugar sa lalawigan sa Simultaneous Anti-Criminality and other Law Enforcement operations (SACLEO) nitong Linggo ng hapon hanggang Lunes ng madaling araw.

Ayon kay Provincial Director P/Sr. Supt. Chito Bersaluna, nagbunga ang matinding pagmamanman ng pulisya mula sa iba’t ibang himpilan sa Malolos City, Meycauyan City, San Rafael, Calumpit, Angat, Bulakan, San Miguel, Hagonoy, Marilao at Paombong na nagresulta sa pagkakaaresto ng 17 katao at nakasamsam din ng 38 sachet ng shabu, dalawang sachet ng marijuana, sari-saring drug paraphernalia at marked money na ginamit sa operasyon.

Samantala, 10 katao kabilang ang tatlong babae na may mga kasong kinakaharap sa iba’t ibang hukuman sa Malolos City ang natimbog ng pulisya dahil sa mga ipinalabas na warrant of arrest at nakaditine sa San Miguel, Baliwag, Obando, Balagtas at sa 1st at 2nd Provincial Mobile Force Company.

DRUG WAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with