^

Probinsiya

Ex-drug suspect pinasok, pinatay

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CANDELARIA, Quezon  , Philippines  —  Hindi na nagawang tapusin ng isang dating drug personality ang ginagawa nitong pagluluto ng hapunan makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang salarin kamakalawa sa Purok 4, Barangay Malabanban  Sur.

Patay agad dahil sa tama ng bala ng kalibre 45 sa ulo at katawan ang biktimang si Joselito Delaluya, 32, may asawa at residente ng nasabing barangay.

Batay sa imbestigasyon, bandang alas-7:30 ng gabi habang nasa kusina ng kanyang bahay ang biktima at nagluluto ng ulam nang pumasok ang hindi nakikilalang armadong lalaki.  

Habang nakatalikod umano ang biktima ay patraydor siyang inasinta at pinaputukan ng suspek saka mabilis na tumakas at ngayon ay tinutugis na ng pulisya.

vuukle comment

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with