_ngayon
^

Probinsiya

‘Tulak’ bulagta sa parak

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang sinasabing ‘tulak’ ng droga nang manlaban ito sa mga otoridad sa isinagawang buy-bust operation sa tabi ng lumang sementeryo sa Brgy. Ibabang Dupay, kamakalawa ng gabi.

Ang suspek na napatay sa operasyon ay kinilala ng pulisya na si Romeo Lacson, 59, may live-in partner at residente ng nasabing barangay.  Ayon sa ulat, dakong alas-9:45 nang ikasa ang buy-bust laban sa suspek.

Gayunman, matapos mabilhan ng pulis na tumayong buyer ang suspek ng isang sachet ng shabu ay nakatunog ito na pulis ang kanyang ka-deal dahilan upang bumunot ng kalibre .38 baril at magpaputok na agad namang ginantihan ng mga otoridad na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.  Narekober sa bulsa ng suspek ang isa pang plastic sachet ng shabu, P500 marked money,  at drug paraphernalias.

DRUG WAR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with