3 suspek naaresto Parak pumalag sa ‘agaw-armas’, sugatan
Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) - December 18, 2018 - 12:00am

BULACAN, Philippines — Isang bagitong pulis ang nasugatan matapos na manlaban nang kuyugin ng tatlong hinihinalang kasapi ng “Agaw-Armas Gang” at agawin ang kanyang service firearm habang naglalakad papauwi sa kanilang bahay sa Tibag, bayan ng Baliwag noong Linggo ng hapon.

 

Nagtamo ng bugbog at pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan at ulo ang biktima na kinilalang si PO1 Aries Rivera, 29, nakatalaga sa Baliwag Municipal Police Station at residente ng Brgy.Tibag sa naturang bayan.

Agad namang naaresto ang mga suspek na sina Joven Estrerra, 44 kapatid nitong si Juvy, 48; kapwa residente ng Brgy.Tambubong, San Rafael, Bulacan at Michael Cunanan, 28, ng Brgy.Tibag sa bayang ito.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Marlon Santos ng Baliwag Police, dakong alas-3:20 ng hapon habang nagla­lakad ang biktima sa isang kalsada patungo sa kanilang bahay nang biglang harangin ng mga suspek at walang sabi-sabing binugbog sanhi upang humandusay sa kalsada. Dito na puwersahang kinuha ng isa sa suspek ang service firearm ng pulis na isang Glock 9mm caliber saka tumakas. Bagama’t sugatan, nagawa pang makatawag ng biktima sa kanilang himpilan upang humingi ng tulong.

Agad na nasakote ang tatlong suspek habang narekober ang kinulimbat na armas ng biktima. 

AGAW-ARMAS GANG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with