^

Probinsiya

Tangke ng oxygen sumabog: 2 patay!

Pilipino Star Ngayon
Tangke ng oxygen sumabog: 2 patay!
Sa report na nakarating sa tanggapan ni P/Chief Supt. Joel Napoleon Coronel, kinilala ang mga biktima na sina Narciso Bernardo, may-ari ng repair shop at Alejandro Lozano, 54-anyos, helper, residente sa nasabi ring barangay.

CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga  , Philippines  —  Isang 81-anyos na negosyante at kanyang tauhan ang nasawi matapos na sumabog ang isang tangke ng oxygen sa isang repair shop sa Doña Maria Subdivision,  Barangay Dau, lungsod ng Mabalacat, sa lalawigang ito noong Huwebes ng umaga.

Sa report na nakarating sa tanggapan ni P/Chief Supt. Joel Napoleon Coronel, kinilala ang mga biktima na  sina Narciso Bernardo, may-ari ng repair shop at Alejandro Lozano, 54-anyos, helper, residente sa nasabi ring barangay.

Sa imbestigasyon, pasado alas-8:30 ng umaga nang sindihan umano ang acetylene ng isa sa biktima malapit sa tangke ng oxygen na hindi napansin na may  leak ang tangke dahilan ng mabilis na pagputok sa tangke.

Sa lakas ng pagsabog, naputol ang isang paa ni Lozano habang sunog naman ang kanang kamay ng lolong si Bernardo.

Nagawa pang maisugod sa pinakamalapit na ospital ang dalawang  biktima ngunit idineklara na silang dead-on-arrival ng sumuring doktor.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with