^

Probinsiya

Tserman huli sa armas, bala sa raid

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang barangay chairman matapos na mahulihan ng mga armas at bala sa isinagawang pagsakalakay ng pulisya sa kanyang bahay sa Brgy. Maliwanag, Mansalay, Oriental Mindoro kamakalawa ng hapon.

 Kinilala ang nasakoteng suspek na si Heny Malicsi, 55-taong gulang, chairman sa nasabing barangay. 

Sa report, sinabi ni Supt. Imelda Tolentino, spokesperson ng Mimaropa Police, alas-2:30 ng hapon nang salakayin ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Oriental Mindoro ang tahanan ni Malicsi sa lugar sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte.

 Bago ito, nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa pagtatago ng armas ni Malicsi na umano’y walang mga dokumento.

 Nakumpiska sa operasyon ang isang cal. 45 pistol, isang magazine para sa cal. 45, isang unit ng cal. 357 revolver, 10 rounds ng bala ng cal. 45 pistol, 15 rounds ng bala ng cal 9mm, at 12 rounds ng bala ng cal.357 revolver.

vuukle comment

ARRESTED

FIREARMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with