SK chairman pisak sa car crash
Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) - December 11, 2018 - 12:00am

BULACAN  , Philippines  —  Hindi na maipagpapatuloy ng Sangguniang Kabataan chairman ang tungkulin sa kanilang lugar matapos na madurog at masawi nang aksidenteng mabangga ang sinasakyan nitong mamahaling sports car habang bumabagtas sa kahabaan ng kalsada ng Brgy. Sto. Niño sa Plaridel, dito Lunes ng madaling araw.

Tumagal pa ng ilang oras bago tuluyang nakuha sa sariling sasakyan ang katawan ni Mark Paolo Manaysay, 24, binata, SK Federation President ng Malolos City at residente ng Brgy. Lugam sa naturang bayan.

Sa ulat ni PO3 Jim Glenn Cruz, dakong alas-2:00 ng madaling araw, galing ang biktima sa isang lugar sa bayan ng Plaridel at papauwi na sa kanilang bahay lulan ng Toyota sports car (NEL 86) nang pagsapit sa tulay ng Nabuag ay biglang nawalan ito ng kontrol dahilan upang bumangga ang sasakyan sa mga steel gates at isang nakaparadang pampasaherong PUJ (CXE-867).

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, kinakailangan pang gumamit ng makinarya ang rumespondeng mga kagawad ng rescue unit saka kaagad na isinugod sa Bulacan Medical Center ang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival.

SANGGUNIANG KABATAAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with