Kinasuhan na ng rape ang suspek na si Reynald Rivera, 32, nakatalaga bilang guwardiya sa isang Katolikong paaralan at residente ng Brgy. Catacte sa bayang ding ito.
File Photo
Misis ng sekyu ni-rape ng kainumang sekyu
Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) - December 9, 2018 - 12:00am

BULACAN, Philippines — Isang security guard ang inaresto matapos na ireklamo dahil sa umano’y panggagahasa sa asawa ng kanyang kapwa sekyu habang nag-iinuman sa loob ng bahay ng huli sa Brgy. Malamig, bayan ng Bustos kamakalawa ng gabi.

Kinasuhan na ng rape ang suspek na si Reynald Rivera, 32, nakatalaga bilang guwardiya sa isang Katolikong paaralan at residente ng Brgy. Catacte sa bayang ding ito.

Sa imbestigasyon, nagpunta ang suspek sa bahay ng kanyang kasamahang guwarda sa Brgy. Malamig at niyaya nitong mag-inuman ng alak na pinagbigyan naman ng huli. Nang malasing at makaramdan ng pagkahilo ang may-ari ng bahay at tuluyang nakatulog sa sala.

Nang hindi na kumikibo at tulog na ang nalasing na sekyu, dito na pinasok ng suspek ang natutulog na asawa ng una sa loob ng kuwarto at saka ginahasa. Matapos ang makamundong pagnanasa, mabilis na tumakas ang suspek.

Nagsumbong naman ang ginang sa pulisya at inireklamo ang suspek sanhi upang ikasa ang follow-up operation na kanyang ikinaaresto.

WIFE RAPED
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with