‘Tulak’ bulagta, 4 timbog sa drug ops
Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2018 - 12:00am

BULACAN  , Philippines  —  Bulagta ang isang lalaking nasa Badac watchlist matapos na umano’y manlaban sa mga pulis habang apat pa ang naaresto sa isinagawang magkakahiwalay na drug bust operation sa iba’t ibang bayan sa lugar dito, Sabado ng gabi at Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang napatay na suspek sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan na si Ronnie Radin.

Sa ulat ni P/Supt. Orlando Castil Jr., dakong alas-2:00 ng madaling araw, bumili ang poseur buyer na pulis kay radin sa Brgy. Dulong Bayan, San Jose Del Monte City ng shabu at habang nag-aabutan na ng item at marked money ay napansin ng kasabwat ng suspek ang presensya ng iba pang pulis sa paligid. Dahil dito, sinigawan nito si Radin upang tumakas at sumakay sa nakaabang na motorsiklo. Dito na nakasalubong ni Radin ang mga pulis saka sinubukang pasukuin ngunit sa halip na sumuko ay binunot nito ang armas saka nagpaputok sanhi ng shootout na ikinabulagta ng una habang nakatakas ang kanyang kasama. Narekober sa lugar ang isang .38 revolver, mga basyo ng bala, 13 sachet ng shabu, P500 marked money.

CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with