Quarry site gumuho, bahay nabagsakan: 3-anyos patay, 2 kapamilya sugatan!
Boy Cruz, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang 3-anyos na batang lalaki habang dalawa pa ang malubhang nasugatan makaraang mabagsakan ng malaking bato na halos sinlaki ng isang kubo ang kanilang bahay nang gumuho ang isang quarry site at magkaroon ng rockslide sa Brgy. San Jose Patag, Sta Maria, Bulacan nitong Biyernes ng hapon.

 

 Sa ulat ni Sr. Supt. Chito Bersaluna, dakong alas-4:45 ng madaling araw nitong Sabado na nang marekober ang katawan ng batang si Leonard Dorimon Jr. na idineklarang dead-on-arrival sa Rogaciano Mercado Memorial Hospital.

Ang mga nasugatan sa insidente ay sina Teresita Auditor, 60-anyos, lola ng nasawing bata at pinsan nitong si Andrea Auditor, 3-anyos.

Ayon kay Leonard Dori­mon Sr., 35-anyos, ama ng nasawing bata, dakong alas-3 ng hapon habang nasa labas siya ng kanilang bahay at naglilinis ng motorsiklo nang makarinig siya ng malakas na pagbagsak sa Sitio Gulod, ng nasabing barangay. Nang kanyang lingunin, laking gulat niya nang makitang nabagsakan ng napakalaking bato ang kanilang tahanan na gawa lamang sa mahihinang uri ng materyales kung saan nasa loob ang anak na lalaki, ina at pamangkin.

Dakong alas-8:00 ng gabi na ng nasabi ring araw nang makapagresponde ang search and rescue team hanggang sa marekober ang mga biktima at isugod sa pagamutan.

QUARRY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with