^

Probinsiya

Lover ni misis, kinatay ni mister

Boy S. Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaniniwalaang matinding paninibugho ang nagtulak sa isang mister upang mapatay nito sa saksak ang isang lalaki na umano’y karelasyon ng kanyang misis sa Brgy. Tuktukan sa bayan ng Guiguinto, sa lalawigan ng Bulacan nitong Miyerkules ng umaga.

Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang biktimang si Roland Tolentino, 41, residente ng Agustin St., sa naturang lugar.

Kusa namang sumuko sa Balagtas Municipal Police Station ang suspek na Juancho Pineda, 56, residente ng Brgy. Longos sa bayan ng Balagtas.

Sa ulat ng Guiguinto Police, dakong alas-7:30 ng ­umaga habang naglalakad sa San Juan St. sa naturang lugar ang biktima nang biglang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing inundayan ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima hanggang sa duguang bumagsak na sinamantala naman ng suspek na tumakas patungo sa direksyon ng Balagtas.

Kusa namang sumuko sa mga pulis ang suspek makalipas ng ilang oras at inamin na selos ang dahilan upang mapatay niya ang biktima na umano’y karelasyon ng kanyang misis.

vuukle comment

CRIME SCENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with