Nahaharap sa iba’t-ibang kaso ang mga naarestong suspek na sina Gilbert Laxa­ma­na, 27, ng Francisco Homes, Brgy. Guijo, Leonard Barrios, 42, ng Brgy. Kaypian, kapwa sa bayang ito at John Jesus Laxamana, 23, ng Brgy. Malaria sa Caloocan City.
Boy Santos/File Photo
3 ‘Gapos Gang’ natimbog
Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2018 - 12:00am

BULACAN, Philippines — Kalaboso ang kinahantungan ng tatlong lalaking pinaniniwalaang mga miyembro ng notoryus na “Gapos/Akyat Bahay Gang” matapos na maaresto sa mahabang habulan sa Brgy. Maharlika, San Jose Del Monte City, Lunes ng gabi.

Nahaharap sa iba’t-ibang kaso ang mga naarestong suspek na sina Gilbert Laxa­ma­na, 27, ng Francisco Homes, Brgy. Guijo, Leonard Barrios, 42, ng Brgy. Kaypian, kapwa sa bayang ito at John Jesus Laxamana, 23, ng Brgy. Malaria sa Caloocan City.

Sa ulat ni P/Supt. Orlando Castil Jr. ng San Jose del Monte police dakong alas 10:50 ng gabi ay isang residente sa Pecsonville Subdivision sa Brgy.Tungkong Mangga ang tumawag sa himpilan ng pulisya hinggil sa kahina-hinalang paglilibot ng isang van (YP-7818) sa naturang lugar lulan ang tatlong lalaki at tila naghahanap ng kanilang mabibiktima. Nang kanilang respondehan, naispatan sa lugar ang van sanhi upang tangkain nilang pahintuin upang siyasatin ngunit sa halip na tumalima ay pinaharurot ang naturang sasakyan na nagbunsod ng habulan.

Dahil sa isinagawang dragnet operation, nasakote rin ang tatlong suspek at nakuha sa loob ng naturang sasakyan ang isang .45 kalibre, isang 9mm kalibre, isang .38 revolver, 2 granada, bolt cutter, vice grip, at iba’t ibang kasangkapan.

GAPOS/AKYAT BAHAY GANG ARRESTED
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with