^

Probinsiya

Militar vs NPA: 9 hostage nasagip, 1 rebelde utas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Militar vs NPA: 9 hostage nasagip, 1 rebelde utas
Ayon sa ulat, dakong alas-11:20 ng tanghali nang makasagupa ng tropa ng Army’s 61st Infantry Battalion (IB) ang grupo ng mga rebelde sa nasabing lugar.
Ernie Penaredondo/File

MANILA, Philippines — Matagumpay na nasagip ng tropa ng militar ang siyam na katao na hinostage at ginawang ‘human shield’ ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang isa naman sa komunistang grupo ang napatay sa naganap na bakbakan sa Brgy. Igcabugao, Igbaras, Iloilo kamakalawa ng tanghali.

Ayon sa ulat, dakong alas-11:20 ng tanghali nang makasagupa ng tropa ng Army’s 61st Infantry Battalion (IB) ang grupo ng mga rebelde sa nasabing lugar.

Bago ito ay nagresponde ang mga sundalo sa lugar matapos na makatanggap ng report na nanghaharass at nangongotong sa mga residente dito ang tinatayang mahigit sa sampung mga armadong rebelde.

Samantalang sa kasagsagan ng bakbakan ay pinasok ng mga rebelde ang kubo ng mga residente rito at hinostage ang siyam katao.

Ang palitan ng putok ay tumagal ng may 30 minuto na ikinasawi ng isang rebelde na inabandona ng mga papatakas nitong kasamahan.

Hindi naman nagawang paputukan ng tropa ang isang kubo kung saan binihag at ginawang pananggalang ng mga rebelde ang siyam na residente ng lugar na makaraan ang ilang sandali nang makatiyempo ay agad namang nagsitakas patungo sa direksyon ng kagubatan.

Nasagip naman ng mga sundalo ang siyam na residenteng hostage na nanginginig pa sa matinding sindak bunga ng insidente.

Narekober naman sa encounter site ang isang backpack, Improvised Explosive Device, bandolier ng 5.56 MM, 3 galon ng gasolina na gagamitin sana sa planong sunugin ang isang pasilidad sa lugar.

vuukle comment

ARMY’S 61ST INFANTRY BATTALION

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with