^
DOLE employee nilikida
Kinilala ang biktima na si Joey Ranes, residente ng Sitio Azucena, Brgy. Poblacion ng nasabing bayan.

DOLE employee nilikida

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - October 25, 2018 - 12:00am

NORTH COTABATO  , Philippines  —  Bumulagta ang isang empleyado ng DOLE Philippines na sinasabing nasa listahan ng drug watchlist ni Pangulong Duterte matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem sa panibagong pamamaril sa national highway ng Brgy. Pagalungan, Polomolok,  South Cotabato noong Martes. 

Kinilala ang biktima na si Joey Ranes, residente ng Sitio Azucena, Brgy. Poblacion ng nasabing bayan.

Sa ulat kay P/Supt. Jose Marie Simangan, chief of police ng Polomolok Municipal Police Station, dakong alas-6:26 ng umaga habang nakasakay umano si Ranes sa kanyang motorsiklo papunta sa trabaho sa pineapple plantation ng DOLE Phil. nang abangan ng dalawang hindi nakikilalang lalaki na aramado sa lugar at pinagbabaril.

Ayon kay Simangan, si Ranes ay nasa listahan ng mga drug personalities sa bayan at nasa level 2 drug watchlist.

CRIME DRUG WATCHLIST
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with