_ngayon
^

Probinsiya

Drug suspek dedo, pulis sugatan sa shootout sa Bacoor

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Drug suspek dedo, pulis sugatan sa shootout sa Bacoor
Bumulagta noon din ang suspek na si Ro­nald Allan Cuevo Samson, 54, may asawa at residente ng Talisay St., Meadowood Subdivision.
File Photo

MANILA, Philippines — Napatay ng mga otoridad ang isang drug suspect habang sugatan naman ang isang tauhan ng Bacoor City Police nang mauwi sa barilan ang search warrant operation ng pulisya sa Brgy. Pana­paan 8 ng lungsod, sa lalawigan ng Ca­vite, kamakalawa ng umaga.

Bumulagta noon din ang suspek na si Ro­nald Allan Cuevo Samson, 54, may asawa at residente ng Talisay St., Meadowood Subdivision.

Ayon sa ulat, dakong alas-6:00 ng umaga, bitbit ng mga pulis ang search warrant para sa suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591.

Subalit ‘di pa man nakakalapit sa bahay ng suspek ang mga pulis ay agad silang sinalubong ng sunud-sunod na putok na agad namang ginantihan ng pulis na nagresulta sa pagkasawi ng suspek at pagkasugat ni PO1 Gawon na agad namang naisugod sa pagamutan.

Nakuha mula sa suspek ang isang .45 caliber pistol na may mga bala, mga basyo ng bala ng 9mm at apat na heat-sealed transparent plastic sachet na shabu.

DRUG WAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with