^

‘Tulak’ nanlaban, dedo sa buy-bust

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - September 20, 2018 - 12:00am

NUEVA ECIJA  , Philippines  —  Patay ang isang lalaking tulak ng droga makaraang umano’y manlaban sa mga pulis na nagsagawa ng drug bust operation sa Zone 1, Sitio Tumana, Brgy. Palestina, San Jose noong Martes.  Kinilala ang nasawi na si Marlon Solomon, nasa hustong gulang, residente sa ­lugar. Sa ulat, ala-1:15 ng hapon, pinangunahan ni P/Supt. Marco Dadez, hepe ng San Jose City Police, ang buy-bust operation laban kay Solomon.

Nang magkaabutan na umano ang suspek at isang police poseur-buyer ng shabu at marked money ay nakatunog umano si Solomon at nanlaban ito, kasabay nang paghugot nito ng maigsing baril. Nagpalitan umano ng putok ang magkabilang panig at napatay ang suspek sa bandang huli. Narekober sa lugar ang isang caliber .38 pistol at basyo ng bala ng caliber .9mm.

DRUG BUST OPERATION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with