^

Probinsiya

‘Tulak’ todas sa shootout

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
âTulakâ todas sa shootout

PAGBILAO, Quezon  , Philippines  —   Patay ang isang suspected drug pusher makaraang makipagbarilan sa mga awtoridad habang isinasagawa ang buy-bust operation samantalang nakatakas ang kasama nito kamakalawa sa Brentwood subdivision barangay Mayhay ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Mark Oliver Albuera ng Mabini, Batangas at hinihinalang kasama sa grupo ng malaking sindikato ng droga na ang pito sa kanilang miyembro ay nasakote ng pulisya rito noong Setyembre 11, 2018 sa loob ng Palay isdaan Hotel sa Brgy. Alupaye.

Ayon kay P/Chief Insp. Francis Panisan, chief of police dito, dakong alas-6:45 ng gabi nang isagawa nila ang buy-bust operation laban sa suspek na nabilihan ng .75 gramo ng shabu subalit  nang aarestuhin na ang huli ay bumunot siya ng kalibre 38 at nagpaputok. Nang gumanti ng putok  ang mga pulis ay doon napuruhan ang suspek.

Mabilis namang nakapuga ang kasama ni Albuera sakay ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Lungsod ng Lucena.

Sa pagsisiyasat ng SOCO, nakarekober pa sila ng karagdagang limang gramo ng shabu sa bulsa ng pantalon ng suspek at ang P500 marked money na ginamit sa operasyon.

SHOOTING

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with