Ayon kay P/Supt. Ramel Hojilla, pinuno ng Kidapawan City Police, kinilala ang biktima na si Rowena Dequita Sagusay habang ang suspek ay si Renante Sarsuelo ay ginagamot sa Madonna Hospital matapos namang saksakin ang sarili matapos na mapatay ang kinakasama.
Misis kinatay ng live-in partner
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - September 15, 2018 - 12:00am

KIDAPAWAN CITY, North Cotabato  , Philippines  —  Patay ang isang 35-anyos na ginang matapos na pagsasaksakin ng live-in partner na sangkot sa illegal na droga sa kasagsagan ng mainitang pagtatalo sa loob ng kanilang ta­hanan sa Brgy. Sumbac, ng lungsod, Huwebes ng gabi.

 Ayon kay P/Supt. Ramel Hojilla, pinuno ng Kidapawan City Police, kinilala ang biktima na si Rowena Dequita Sagusay habang ang suspek ay si Renante Sarsuelo ay ginagamot sa Madonna Hospital matapos namang saksakin ang sarili matapos na mapatay ang kinakasama.

Batay sa ulat, pasado alas-6:00 ng gabi, nagkaroon umano ng matinding pagtatalo ang dalawa sa kanilang silid hanggang sa kumuha ng kutsilyo si Sarsuelo at sinaksak hanggang sa mapatay si Sagusay.

Selos ang isa sa mga umuugong na dahilan sa pagpatay ng mister sa kanyang kinakasama. Pero ayon kay Hojilla, posibleng may kinalaman sa droga ang krimen dahil sa convicted ang suspek sa illegal drugs at may kinakaharap pang kaso sa droga, limang taon na ang nakalilipas.

CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with