^

Probinsiya

Bagitong pulis itinumba!

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Bagitong pulis itinumba!
Kinilala ang biktima na si PO2 Rolly Kamid, 51, ng Brgy. Griño, Tacurong at isang aktibong kasapi ng Lambayong Sultan Kudarat Police na nakadestino sa Brgy. Maligaya Compact Police Center.

MANILA, Philippines — Napatay ang isang bagitong pulis matapos na ratratin ng riding-in-tandem sa Purok Rose, Brgy. San Antonio, Tacurong, Sultan Kudarat, Linggo ng umaga.

Kinilala ang biktima na si PO2 Rolly Kamid, 51, ng Brgy. Griño, Tacurong at isang aktibong kasapi ng Lambayong Sultan Kudarat Police na nakadestino sa Brgy. Maligaya Compact Police Center.

Batay sa ulat, pasado alas-8 ng umaga habang sakay ang biktima sa motorsiklo patungo sa trabaho nang buntutan ng dalawang lalaki na magkaangkas rin sa motorsiklo at pinagbabaril. Nagtamo ng tatlong tama ng bala sa dibdib at leeg si Kamid na agad nitong ikinasawi.

Blangko pa rin ang pamilya ng biktima sa motibo sa krimen samantalang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

vuukle comment

CRIME

SHOOTINGG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with