_ngayon
^

Probinsiya

Drug den ni-raid: 1 patay, 29 dakip

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Drug den ni-raid: 1 patay, 29 dakip
Nasa larawan ang mga naarestong suspek matapos na salakayin ng mga alagad ng batas ang isang drug den sa Brgy. Kaingen Bacoor, Cavite. Nasa larawan din ang napatay na suspek na nanlaban sa operasyon.
Kuha ni Cristina Timbang

MANILA, Philippines — Isang drug suspect ang napatay ng mga otoridad matapos umanong manlaban habang 29 katao ang dinakip matapos na salakayin ang isang bahay na sinasabing ginagawang drug den sa Brgy. Kaingen sa Bacoor, sa lalawigan ng Cavite, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang tumimbuwang na suspek na si Danilo Taguinod, nasa hustong gulang, nasa talaan ng drug watch list ng pulisya, at residente ng nasabing lugar.

Swak naman sa selda ang 29 katao na pinagdadakip ng mga otoridad matapos na maaktuhan sa kanilang pot session sa nasabing lugar.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:30 ng tanghali nang isagawa ang pagsalakay sa naturang bahay kung saan talamak at lantaran ang bentahan ng droga gayundin ang ‘pagbatak’ ng mga suspek.

Nang dadakipin na ang mga suspek ay dito na nanlaban si Taguinod kung saan ay nakipaghabulan at nakipagbarilan ito sa mga pulis dahilan upang siya’y mapatay.

Narekober dito ang nasa P.5-milyong halaga ng shabu, mga drug paraphernalia’s, at dalawang uri ng kalibreng baril.

DRUG DEAN RAID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with