Kagawad na dating pulis itinumba sa Cebu

MANILA, Philippines – Patay sa pananambang ang isang kagawad ng Cebu City ngayong Martes.

Ayon sa ulat ng CNN Philippines, nakilala ang biktimang si Roel Mabano, konsehal ng Barangay Kalunasan.

Malapitang pinagbabaril si Mabano ng lalaki na nakasumbrero sa tapat ng barangay hall ngayong hapon.

Dating pulis si Mabano na nagretiro bilang Police Officer 3 nitong nakaraang taon.

Kanina lamang ay isang lalaki naman napatay ng mga pulis matapos magpaputok ng baril sa palasyo ng arsobispo.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa pagpatay kay Mabano.

 

Show comments