âTulakâ bulagta sa buy-bust
Sinusuri ng SOCO ang mga narekober na baril, granada at shabu sa lalaking tulak na nasawi matapos na lumaban sa mga otoridad sa isinagawang buy-bust sa Brgy. Lalakhan, Santa Maria, Bulacan.
Kuha ni Boy S. Cruz
‘Tulak’ bulagta sa buy-bust
Boy S. Cruz (Pilipino Star Ngayon) - April 22, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang lalaking dumadayo pa upang magbenta ng shabu matapos na mapatay  ng pulisya makaraan siyang pumalag sa isinagawang buy-bust operation laban sa kanya sa Brgy. Lalakhan sa bayan ng Santa Maria sa Bulacan kagabi.

Dalawang tama ng punglo sa katawan ang tumapos sa buhay ng suspek na kinilala sa pamamagitan ng narekober na driver’s lincense na si Louie Lapig-Nieto nasa hustong gulang at residente ng Brgy.Turo sa bayan ng Bocaue.

Sa ulat ni P/Supt. Carl Omar Fiel, dakong alas-10:30 ng gabi ay nakipagkita ang dalawang poseur buyer na pulis sa suspek sa isang lugar sa Brgy. Sta. Cruz sa bayan ding ito upang bumili ng inaalok na shabu at habang nag-aabutan na ng droga kapalit ang marked money ay nakahalata ito na pulis ang kanyang kausap.

Dito na pinaandar ng suspek ang sinasakyang pampasaherong traysikel saka tumakas na nagresulta sa mahabang habulan at mauwi sa isang madugong barilan na nagresulta sa kanyang pagkasawi.

Narekober ng mga otoridad mula sa suspek ang isang .38 rebolber mga bala, isang granada, limang pakete ng shabu,P500 pisong marked money, at ang  traysikel na ginamit ng suspek sa pagtakas. 

DRUG BUY-BUST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with