^

Probinsiya

2 anak ng mayor, 1 pa tiklo sa armas

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Inaresto ng pulisya ang isang mag-utol na trader na anak ng isang mayor at isa pa nilang alipores matapos makasamsam ng mga baril at bala ang awtoridad sa isinagawang raid sa kani-kanilang mansyon sa Brgy. Paradise, Gonzaga, Cagayan kahapon. 

Sa ulat ni Cagayan Valley Police Director Chief Supt. Mario Espino na sinaksihan ni Gonzaga Mayor Marlyn Pentecostes ang paghalughog ng awtoridad sa bahay ng mga anak na si Jondell at Jonjie Pentecostes kung saan nasamsam ang tig-isang Cal.9mm, Cal. 40 at Cal. 45 na boga at sari-saring mga bala. ?

Dinampot din ang alipores ng magkapatid na si Antonio Bucaneg, 57-anyos na nasamsaman ng isang cal.45 boga at mga bala.? 

Nabatid kay Espino na nasa narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte si Jonjie Pentecostes na isang high value target na tulak na nakisawsaw rin sa Oplan Tokhang noong 2016.? 

Ayon kay Espino ang nadakip na tatlo ay miyembro ng Jayjay Camit Group na isang sindikato ng gun running sa northern Cagayan.? 

Matatandaan na ang ama ng magkapatid na si Mayor Carlito Pentecostes Jr. ay pinatay ng mga NPA na lumusob sa kanilang Munisipyo noong 2014.? Pinalitan ng kanilang ina ang ama bilang mayor ng bayan matapos manalo sa sumunod na lokal na halalan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with