^

Probinsiya

Sanggol patay sa sunog

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 8-buwang gulang na sanggol na lalaki  matapos itong makulong sa nasunog nilang bahay sa Sitio Maras sa Barangay Polanco, Zam­boanga del Norte kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ang biktima na si Jaskevin Atab ay nabi­gong maisalba ang buhay sa Zanorte Hospital sanhi ng cardio respiratory arrest sa tinamong 41 % na pagkasunog ng kaniyang katawan.

Kasalukuyan namang ginagamot sa pagamutan si Angelo Dalagan na nagtamo ng mga paso sa katawan nang pasukin ang nasusunog na bahay sa pagliligtas sa sanggol.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang sunog sa bahay ni Ernesto Atab, 43, ama ng sanggol sa nasabing lugar bandang alas -11:20 ng tanghali.

Ayon sa imbestigasyon, pansamantalang iniwan ni Ernesto ang mga bata na sina Jasmine Dumdumano, 5; at Justine Dumdumano, 2; mga anak sa una ng kaniyang misis upang ibili ng gatas ang sanggol.

Gayunman, laking gulat ng kanilang kapitbahay na si Macrelito Iso nang makitang nasusunog ang bahay ni Ernesto kaya agad itong humingi ng tulong kung saan agad namang sumaklolo sina Angelo Dalagan at Salimar Bicoy.

Nagawa namang mailabas ni Dalagan mula sa nasusunog na silid ang sanggol  na nagawa pang maisugod sa pagamutan pero nabigo na itong masagip habang ang  dalawa pang bata ay nakaligtas sa insidente.

Lumilitaw naman sa imbestigasyon na naglaro ng posporo ang dalawang bata na pinagmulan ng apoy na nagsimula sa silid kung saan natutulog ang sanggol.  

Naapula naman ang apoy matapos na rumes­ponde ang mga bumbero. Joy Cantos at Rhoderick Beñez

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with