Road mishap: 1 tepok, 2 kritikal
(Pilipino Star Ngayon) - March 13, 2018 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  — Nalagutan ng hi­ninga habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isang 35-anyos na misis habang kritikal naman ang kanyang mister at isa pang drayber sa naganap na salpukan ng dalawang motorsiklo sa Barangay Sinamar Norte, San Mateo, Isabela kamakalawa. Sa report na nakarating kay Chief Insp. Richard Gatan, hepe ng PNP San Mateo; tumilapon sa ere si Domelyn Bongacayao na backride ng mister na si Edgar Bongacayao matapos silang salpukin mula sa likuran ng rumaragasang sasakyan ni Jonathan Enierga, 34, dakong alas-7:00 ng gabi.

Sa lakas ng salpok ay nagpagulong-gulong sa highway ang tatlo saka sabay isinugod ng mga sumaklolo sa isang pribadong hospital sa Santiago City kung saan binawian ng buhay ang misis. ?Inoobserbahan sa hospital ang na-biyudong mister habang hindi pa rin binabalikan ng ulirat si Enierga dagdag ni Gatan. Raymund Catindig at Victor Martin

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with