Piskal inutas ng tandem

QUEZON, Philippines — Pinabulagta ang beteranong piskal matapos itong ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa naganap na ambush sa kahabaan ng highway sa Brgy. Tongohin, bayan ng Infanta, Quezon noong Biyernes ng hapon.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, kinilala ang biktima na si Fiscal Reymund Fernandez Luna, assistant provincial prosecutor ng Regional Trial Court (RTC) Branch 65 sa bayan ng Infanta.

Sa tala, si Luna ang ika­­anim na prosecutor na pinaslang sa loob lamang ng nakalipas na 11-buwan.

Kabilang sa mga pinas­lang ay sina Rizal assistant provincial Prosecutor Maria Ronatay na pinagbabaril sa gitna ng trapiko sa Ortigas Avenue Extension sa Taytay, Rizal noong Hulyo 18, 2017.

Samantala, si Prosecutor Pablito Gahol ay tinodas naman sa harapan ng eskuwelahan sa Mandalu­yong City noong Setyembre 3, 2017 at iba pang mga biktima.

Pinaniniwalaan namang may kinalaman sa mga sensitibong kasong hinahawakan ng biktima ang motibo ng pamamaslang habang patuloy ang pagsisiyasat.

Show comments