^

Probinsiya

Mag-ama kinatay ng anak

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  —  Pinagtataga hanggang sa mapatay ng 31-anyos na magsasaka na nag-amok ang sariling ama at nakatatandang utol sa loob mismo ng kanilang bahay sa Kilometro 27, Barangay Bislig sa bayan ng San Andres, Catanduanes kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang mga napatay na sina Victorio Buella, 65; at Sonny Buella, 40. Arestado naman ang suspek na si Danny Buella na pawang nakatira sa nasabing barangay. Sa ulat ng pulisya na nakaarating sa Camp Simeon Ola, dakong alas-5:30 ng hapon, natutulog sa kanilang bahay ang biktimang si Sonny nang pasukin at pagtatagain ng suspek. Halos maputol ang leeg sa pagkakataga ng sariling utol. Gayunman, dumating ang kanilang tatay at pinilit na awatin si Danny pero pati ito ay pinagtataga ng nakababatang anak. Pinaniniwalaang nawala sa katinuan ng isip ang suspek dahil sa  sakit na epilepsy.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with