Bangkay ng rape victim, natagpuan

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —    Pinaniniwalaang ginahasa ang 37-anyos na babae bago pinatay at itinapon ng hindi kilalang lalaki sa bahagi ng irigasyon sa Barangay Lucban, bayan ng Abulug, Cagayan noong Martes. ?Sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Delmar Abuzo, hepe ng Abulug police station,  may bakas ng palo sa noo at nakababa ang panloob na saplot nito sa kanyang hita nang matagpuan ng mga residente na palutang-lutang sa irigasyon dakong alas-9 ng umaga. ?Nakilala kinalaunan ang bangkay na si Mary Ann Purganan ng Barangay Libertad sa nasabing bayan. ?Dinala sa Ballesteros District Hospital ang bangkay para sa kaukulang post-mortem examination habang ?patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya.

Show comments