_ngayon
^

Probinsiya

Shootout: 2 drug pushers tumba

Jonie Capalaran at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang pinaghihinalaang notoryus na drug pushers ang napaslang matapos na kumasa sa mga operatiba ng pulisya sa magkahiwalay na anti-drug operation sa Brgy. Tuyo, Balanga City, at Barangay Gabon sa bayan ng Abucay, Bataan kahapon ng madaling araw. Kinilala ang dalawa na sina Roberto “Jun” Morales, 24; at Jayson “Goliath” Rodrigo, 49, kapwa nakatira sa Barangay Gabon sa bayan ng Abucay, Bataan at mga nasa drug watchlist ng pulisya. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Benjamin Silo Jr., Bataan provincial police director, si Morales na kumasa sa buy-bust operation kaya napatay ng mga pulis sa Barangay Gabon sa bayan ng Abucay. Samantala si Rodrigo naman na nakipagbarilan makaraang makatunog na mga pulis ang kanyang ka-deal ay napatay din sa Barangay Tuyo sa nasabing lungsod. Narekober sa crime scene ang dalawang cal. 38 revolver, 14 plastic sachet na shabu at mga drug paraphernalia.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with