^

Probinsiya

Rambulan sa resort: 50 sugatan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines  - Umaabot sa 50-katao ang nasugatan makaraang magrambulan ang dalawang angkan dahil lamang sa simpleng sigalot sa swimming pool ng AJ Garden Resort sa  Barangay Mangas II sa bayan ng Alfonso, Cavite kamakalawa ng hapon.

Naisugod naman sa Pob­lete Hospital ang mga biktimang mula sa dalawang pamilya Esme­ralda at Bello na sinasabing nagkasakitan sa simpleng away sa swimming pool.

Sa ulat ni P02 Boyet Soriano na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, lumitaw na nagkasakitan sina Emmanuel Golez na mula sa pamilya ni Mario Esmeralda ng Brgy. Sulsugin, Alfonso at JM Ramos naman ay sa pamilya ni Ramiro Bello ng Brgy. Kaysuyo sa bayan ng Alfonso, Cavite.

Nabatid na aksidenteng bumagsak si Golez kay Ramos matapos itong mag-slide sa swimming pool.

Kaagad na nagreklamo si Ramos sa kanyang tiyu­hing si Bello kasama ang ilang kamag-anak kung saan kaagad na sinugod ang kampo ni Esmeralda na nauwi sa madugong rambulan.

Nadamay din sa rambulan ang ibang naliligo sa pool kung saan nagkawasak-wasak ang mga gamit ng nasabing resort.

Naawat naman ng mga pulis na rumesponde ang kaguluhan bandang alas-5 ng hapon.

Nakatakda namang kasuhan ng pulisya ang dalawang pamilya dahil sa ginawang kaguluhan sa loob ng nasabing resort. 

vuukle comment

ESME­RALDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with