Holdaper ibinaon sa kanal
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - March 30, 2017 - 12:00am

CAVITE, Philippines - Inilibing nang buhay ang isang di-kilalang lalaki na sinasabing sangkot sa serye ng holdapan matapos itong dukutin ng mga hindi kilalang lalaki sa Barangay Salitran 2, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi. Kasalukuyang bineberipika ang pagkakakilanlan sa bitkima na natagpuan bandang alas-6 ng umaga sa liblib na bahagi ng Pasong Bayog sa nasabing barangay. Narekober ng pulisya ang placard na nakapatong sa katawan na sinasabing holdaper ang biktima. Nasa edad 25 hanggang 30-anyos ang biktima na may taas 5’5” hanggang 5’6” talampakan at naka-Jersey short na blue green. May tattoo na John Paul sa kaliwang hita ng biktima at Dela Peña naman sa dibdib at may mga tattoo rin sa iba-iba’t bahagi ng katawan.

 

JOHN PAUL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with