Imam todas sa pananambang
March 30, 2017 | 12:00am
COTABATO CITY, Maguindanao , Philippines - Patay ang isang Imam matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa binisidad ng Mabini Street, Barangay Bagua 3, Cotabato City, Maguindanao kahapon ng umaga. Batay sa police report, pauwi na ang biktimang si Rene Solaiman sakay ng kanyang motorsiklo nang sundan at ratratin ng gunman na nakamotorsiklo rin. Nabatid na si Solaiman ay dating anchor blocktimer sa dxMS-Radyo BIDA Cotabato habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
x
- Latest
Latest
Latest
Recommended