6 drug suspek, arestado
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - March 16, 2017 - 12:00am

QUEZON , Philippines - Anim-katao ang nadakip ng mga operatiba ng Lucena City PNP Intelligence Operatives sa magkakahiwalay na anti-drug operations sa tatlong barangay sa Lucena City, Quezon, kamakalawa.? Sa ulat ni P/Supt. Art Brual Jr. chief of police, unang isinagawa ang anti-drug operation sa Purok Comia, Barangay 10 kung saan nadakip ang mga suspek na sina Jonathan de Chavez, Louie Rivas, Maricel Rosales, mga residente ng Barangay 11; at si Jessie Corachea. Narekober sa mga suspek ang 2 gramo ng shabu. Dakong alas-6:30 naman ng gabi nang masakote sa Purok Parang sa Barangay Market View ang suspek na si Edwin “Loloy” Sagala, tokhang surrenderer kung saan nasamsam ang .65 gramo ng shabu, marked money at mga drug paraphernalia.? Aabot naman sa 7.01 gramo ng shabu ang nakumpiska sa fish vendor na si Joey Penamora ng Barangay Dalahican matapos na masakote sa buy-bust operation ng pulisya sa Purok Anak Bagong Sinag sa Barangay Cotta.?

DRUG SUSPEK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with