Mag-asawang trader na nag-donate ng lupa, itinumba
MANILA, Philippines - Patay ang mag-asawang negosyante na nag-donate ng lupa na tatayuan ng paaralan para sa mga batang katutubo makaraang pasukin sa kanilang tahanan at pagbabarilin ng mga armadong lalaki sa Compostela, Compostela Valley nitong Huwebes ng gabi.
Kinilala ang mga biktima na sina Ramon Pesadilla, 59, at misis na si Leonela, 55, pawang miyembro ng Compostela Farmers Association.
Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 11, dakong alas-9 ng gabi habang nagpapahinga ang mag-asawa nang biglang sumulpot ang mga suspek sa loob ng kanilang bahay sa Gawad Kalinga Housing Project, Brgy. Osmeña ng bayang ito.
Sa pahayag ng mga testigo, nakarinig sila ng sunud-sunod na putok mula sa tahanan ng mag-asawa at nakitang mabilis na nagsitakas ang mga suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon.
Nauna rito, namahagi pa ng lupa ang mag-asawa na pinagtayuan ng Community Learning Center para sa mga batang katutubo.
- Latest