Drayber inutas sa harap ng paaralan
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2017 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Nagbunga ng ma­tinding takot at pangamba ang pagpatay sa 47-anyos na drayber matapos itong ratratin ng riding-in-tandem assassins habang nagbababa ng mga estudyante sa kanyang jeepney sa harap ng paaralan sa Barangay Olango, bayan ng Mallig, Isabela kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Supt. Manuel Bringas ng Isabela PNP ang napatay na si Arnulfo Berban ng Barangay Manano.Lumalabas sa imbestigasyon na hinintuan ng gunmen si Berban saka niratrat.Nagkagulo ang mga estudyante sa Mallig National High School na nagsasagawa ng flag ceremony.? Nagsitakbuhan at nagsisigawan ang mga kabataan kaya sinamantala ng gunmen na palakad na tumakas. Sinisilip ng mga tauhan ni P/Senior Insp. Rexson Casaway ang anggulong personal na alitan at love triangle bilang motibo sa krimen.

DRAYBER INUTAS
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with