Obrero kisay sa kuryente

QUEZON, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang obrero habang nasa malubhang kalagayan ang dalawang iba pa matapos na makuryente kamakalawa ng gabi sa Barangay Sugod sa bayan ng Lopez, Quezon. Natusta ang buong katawan ni Christopher Sanchez habang ginagamot naman sa Holy Rosary Hospital sina Xandrex Albacide, 23; at Jaime Paulo Bajamonte, 14, mga residente sa Sitio Doongan sa nasabing barangay. Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:30 ng gabi, papauwi na ang tatlo para paghandaan ang paparating na bagyong Nina. Dahil sa lakas ng hangin at ulan ay lumaylay ang kable ng kuryente ng barangay street light at tuluyang bumagsak sa basang kalye na nilalakaran ng mga biktima. Hindi na nakaiwas ang mga biktima at nagkikisay nang makuryente na mabilis namang naisugod ng mga saksi sa ospital.

Show comments